NILINAW | LTO, nagsalita na kaugnay sa isyu ng panghuhuli sa mga modified vehicles

Manila, Philippines – Nagsalita na ang Land Transportation Office (LTO) sa isyu ng panghuhuli sa mga modified vehicles na tumatakbo sa kalsada.

Kasunod ito ng pagka-impound kamakailan ng isang modified 4×4 na sasakyan sa isang operasyon ng LTO sa kahabaan ng NLEX.

Nilinaw ng LTO na walang crackdown sa ganitong uri ng nga sasakyan.


Sa isang statement, nilinaw ng ahensya na ang bawal ay ang mga modification na tinukoy sa umiiral na Department Order No. 2010-32 o ang Harmonization of Motor Vehicle (MV) Classifications.

Paliwanag ng ahensya kung may tampering sa engine performance, sa drivetrain, sa suspension, sa gulong, sa brakes ng sasakyan na labas na sa aprubadong parameters at basic components, maaring makaapekto ito sa performance ng sasakyan.

Nilinaw ng LTO na ang anumang enhancements sa interior at exterior trim ay hindi bawal hangga’t hindi nakokompromiso ang orihinal na disenyo ng sasakyan.

Kung nais ng isang car owner na magkaroon ng modification sa kaniyang sasakyan, mas mainam kung kumuha muna ito Certificate of Road Safety mula sa car manufacturer para matiyak na ang gagawing pagbabago ay hindi magkokompromiso sa safety.

Mga bawal na vehicle modifications:
Axle modification
Chassis modification
Extended chassis/body
Additional siding of dump trucks
Extended overhangs
Change of rim size
Handlebar modification
Muffler modification

Facebook Comments