Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa Extra Judicial Killings (EJK).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – dapat mailagay sa tamang konteksto ang pahayag ng Pangulo.
Aniya, walang ginawang pag-amin ang Pangulo sa umano ay EJK at nais lamang nitong sabihin na kailanman ay hindi siya naakusahan ng anumang katiwalian o nasangkot sa political vendetta.
Iginiit din ni Roque na walang ebidensya laban sa Pangulo sa mga naganap na pagpatay mula nang umupo ito noong 2016.
Facebook Comments