NILINAW | Manny Pacquiao, hindi pa sinasarado ang pinto para kay Coach Freddie Roach

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pinoy Champ Manny Pacquiao na hindi niya tinatalikuran si Coach Freddie Roach.

Sa press conference ng laban nila ni Lucas Matthysse kanina, sinabi ni Pacquiao na maayos ang relasyon nila ni Roach.

Pero aniya, si Buboy Fernandez ang makakasama niya sa training para sa tinaguriang “Fight of the Champions” sa Kuala Lumpur, Malaysia sa July 15.


Sabi pa ni Pacquiao, hindi pa rin naman niya sinasaraduhan ang pinto para kay Roach.

Facebook Comments