Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi lahat ng lumang pampasaherong jeepney ay mape-phase out sa ilalim ng modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang mga luma pero ‘roadworthy’ na mga jeep ay papayagan pa ring pumasada.
Subalit, iginiit ng kalihim na kailangang sumalang ang mga ito sa regular na inspeksyon para matiyak na nasa tamang kondisyon pa rin ito na bumiyahe.
Dagdag pa ni Tugade, aabot lamang sa 220,000 units sa buong bansa ang maaapektuhan.
Aniya, aabot ng tatlong taon para ipatupad ang modernization plan.
May mga financing schemes din na maaring makatulong sa mga operator para bumili ng mga modernong jeep.
Kabilang sa financing rates ay ang easy downpayment, mababang interest rate, payability sa loob ng pitong taon at ₱80,000 government subsidy.
Sa ilalim ng PUV modernization program, ang mga jeep na 15-taon na ang tanda ay kinakailangan nang i-phase out at minamandato ang paggamit ng euro-4 compliant engines.