NILINAW | Mga lumulutang na pamahiin kaugnay sa super blue blood moon at lunar eclipse, walang katotohanan – PAGASA

Manila, Philippines – Nilinaw ng PAGASA sa publiko na walang katotohanan ang mga lumulutang na pamahiin kasabay ng mangyayaring super blue blood moon at lunar eclipse mamayang gabi.

May mga nagsasabi kasi na kasabay ng isang eclipse ay nagiging wild ang mga hayop at isa umano itong senyales na katapusan na ng mundo o kaya may epekto sa aktibidad ng bulkan.

May mga nagsasabi naman na magandang pagkakataon ito para sa mga mag-asawa na hirap magkaroon ng anak o sa mga mag-partner na palaging nag-aaway.


Pero ayon sa PAGASA, walang kinalaman ang mga eclipse sa mga nabanggit na pamahiin.

Facebook Comments