NILINAW | Mga mananalong kandidato sa Barangay at SK Elections, maaring iproklama kahit na narco list pa ito ayon sa COMELEC

Manila, Philippines – Nilinaw ni Commission on Elections Commissioner Socorro Inting na pwede pa ring iproklama ang mga nanalong kandidato sa ginanap na Barangay at SK Elections kahit pa nasa narco list ang mga ito.

Sabi ni Inting, mawawalan lang ng bisa ang pagkapanalo ng isang kandidato na nasa narco list kung nasampahan na ito ng kaso at kapag napatunayang guilty sa asunto.

Maaari rin aniyang ma-disqualify ang mga ito kung may matibay na ebidensya laban sa kanila.


Facebook Comments