Manila, Philippines – Hindi maaring maupo sa pwesto ang mga nanalong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na may nakabinbing petitions for disqualification at petitions for cancellation of Certificate of Candidacy.
Paglilinaw ito Commission on Elections (COMELEC) kasabay ng nakatakdang pag-upo ng nga nanalong kandidato sa kanilang pwesto sa June 30.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ilan sa mga kandidatong inirereklamo ay overaged o lagpas sa itinakdang edad para sa pwesto.
Base sa section 3 ng Resolution No. 10196, ang SK Candidate ay dapat nasa 18 taong gulang pero hindi lalagpas sa 24-anyos.
Batay sa section 40 ng Local Government Code of 1991, madidiskwalipika sa pagtakbo para sa elective posisyon ang kandidato kapag tinanggal ito sa opisina dahil sa kasong administratibo.
Samantala, hindi na rin tatanggap ang poll body ng Statements of Contributions and Exependiture (SOCE) dahil nagtapos na ito nitong June 13.