Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Agrian Reform (DAR) na hindi benepisyaryo ng ahensya ang siyam na magsasaka ng tubo (sugarcane) na pinaslang sa Sagay City, Negros Occidental.
Ayon kay DAR Secretary John Castriciones – lumabas sa inisyal nilang imbestigasyon na inokupa lang ng mga magsasaka ang Hacienda Nene nang walang legal na basehan.
Pinasok aniya ng mga biktima ang lugar bilang bahagi ng unilateral land occupation activity o tinatawag na “bungkalan” na kung tutuusin ay paglabag ito sa section 73 ng republic act 6657 o comprehensive agrarian reform law.
Sa kabila nito, sinabi ni DAR Usec. David Erro na handa silang magbigay ng legal assistance para sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.
pag-aaralan din ng DAR kung posible silang makapagbigay ng tulong pinansyal.