Manila, Philippines – Nilinaw ni MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo na walang nilabag na batas ang mga tauhan ng MPD sa kanilang pagdadampot sa mga tambay sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Margarejo matagal ng ipinaiiral ang mga ordinansa sa lungsod na bawal ang paghuhubad, pag-iinom sa mga pampublikong lugar at curfew.
Paliwanag ni Margarejo ang batikos ng mga kritiko hinggil sa panibagong panukala na pag-aresto sa mga tambay ay walang mga batayan dahil tinutupad lamang ng mga pulis kung ano ang nakasaad na batas.
Dagdag pa ni Margarejo, ang tambay na tinuturing ng Pangulo ay ang mga tambay na perwisyo at lumalabag sa mga city ordinances gaya ng pagtatapon ng basura pag-iinuman paninigarilyo at pag-ihi sa kung saan saan lugar.
Giit ng opisyal mas paiigtingin ng MPD ang kanilang pagpapatupad ng batas sa Maynila.