NILINAW | Mga paring pinaalis sa Balangiga bells turn-over, hindi bahagi ng programa

Hindi bahagi ng programa para sa ‘turn over ceremony’ ng Balangiga bells ang mga pari na pinaalis umano habang nandoon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Msgr. Pedro Quitorio, pinuno ng komisyon at media director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabihan ang mga pari na dumalo sa isa pang programa na bukas sa mga taga-simbahan at iba pang bisita.

Aniya, ang turn over ceremony ay isinagawa para lamang sa pagdating ng Pangulo.


Paliwanag pa ni Quitorio, nang magkaroon ng delay sa pagdating ng Pangulo sinimulan ang post program at dumating si Duterte bago matapos ang programa.

Binakante naman aniya ng mga pari ang lugar para bigyang daan ang programa kasama ang Pangulo.

Pero sinabihan aniya ang mga ito ni Apostolic Nuncio to the Philippines Giordano Caccia na huwag lisanin ang lugar dahil kawalan ito ng respeto sa Pangulo.

Facebook Comments