Manila, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Fisheries o BFAR na hindi sakop ng pinataw na Suggested Retail Price o SRP ang mga processed fish.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, tanging ang mga sariwang isda lamang ang pinatawan ng SRP kabilang ang bangus, tilapia at galunggong.
Pagtitiyak naman ng BFAR, naging positibo ang pagtanggap ng mga mamimili sa pagpapataw ng Srp sa mga isda at iba pang mga agricultural products.
Kasabay nito, nagbabala si Gongona sa posibleng pagkaubos ng mga isda sa Manila Bay kung patuloy ang pagtatapon ng basura rito.
Gayunman, tiniyak ng BFAR na patuloy ang kanilang coastal clean-up sa Manila Bay sa mga susunod na mga araw.
Facebook Comments