NILINAW | Mga senador na kasapi ng mayorya, walang sama ng loob kay Senate President Koko Pimentel

53

Manila, Philippines – Hindi sama ng loob ang ugat kaya nais ng mga Senador na kasapi ng mayorya na mapalitan na si Senate President Koko Pimentel.

Kung tutuusin, sabi ni Senator JV Ejercito, para sa kanila ay napakabait ni Senator Pimentel at isang magandang katangian nito ang pagkakaroon ng integridad.

Ipinaliwanag pa ni Ejercito at ni Senator Nancy Binay, na hindi maiiwasang bumaba sa pwesto si Senator Pimentel dahil magiging abala ito bilang releksyunista sa 2019 Senatorial elections at bilang pangulo din ng PDP-Laban.

Ikinatwiran pa ni Senator Binay na mas mainam kung ang mga opisyal ng senado ay hindi kakandidato para mas makatutok sila sa trabaho ng walang halong pamumulitika.

Si Senator Ejercito at Binay ay kasama sa 14 na mga senador na lumagda sa resolusyong sumusuporta kay Senate Majority Leader Tito Sotto III para maging senate president.

Facebook Comments