NILINAW | Naga City no.6 sa pinakamaraming krimen sa mga major cities sa bansa

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na nasa pang anim na bilang ang Naga City sa may pinakamaraming krimen sa mga major cities sa bansa pero hindi kabilang ang Metro Manila.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana pinagbatayan nila ang total crime volume ng Naga City Mula January 2018 hanggang July 2018.

Batay rin sa kanilang datos Number 2 ang Naga City sa may pinakamaraming index crimes o mga petty crimes sa buong Bicol Region.


Mula rin January 2018 hanggang July 2018 nakapagtala ang Naga City ng highest average monthly crime rate hindi kasama ang Metro Manila.

Sinusundan ito ng Mandaue City, Iloilo City, Santiago City at Cebu City.

Humingi naman ng paumanhin si Durana sa unang mga maling impormasyon naibigay.

Una na kasing inihayag ng PNP na nangunguna ang Naga City sa hotbed ng shabu.

Inihayag rin nila na hotbed ng shabu ang Angeles City, Puerto Princesa City at Olongapo City.

Facebook Comments