NILINAW | NDFP leader Luis Jalandoni, hindi aarestuhin – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi na aarestuhin si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) leader Luis Jalandoni sakaling matuloy ang usapang pangkapayapaan.

Ito ang nilinaw ng Malacañang kasabay ng pagtanggi na may tangkang pag-aresto kay Jalandoni na nagpaudlot sa kanyang pag-uwi sa bansa.

Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Presidential Spokesperson Salvador Panelo at Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na magkaroon ng informal talks sa kampo ni Jalandoni.


Ani Panelo – makikipagkita lamang sila sa mga lider ng NDFP para sa posibleng pagtalaga ng formal peace talks at walang arrest warrant na ihahain kay Jalandoni.

Umaasa ang Palasyo na matutuloy ang informal at peace talks gayundin ng pagtupad ng NDFP sa mga kondisyon ng pamahalaan.

Facebook Comments