NILINAW | NEDA, klinaro na nasa higit 40,000 pesos ang kailangang buwanang budget ng bawat pamilya

Manila, Philippines – Nilinaw ni National Economic and Development Authority Director General Ernesto Pernia na P40,000 hanggang P42,000 buwang budget ang kakailangan ng bawat pamilya.

Ito ay matapos mabatikos ang NEDA dahil sa paggamit ng P10,000 bilang halimbawang budget ng isang pamilyang may limang miyembro.

Ayon kay Pernia, sa halagang ito ay maginhawa na ang pamumuhay ng isang pamilya.


Pero giit ni Pernia, hindi niya inirerekomendang itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa nang hindi pinag-aaralang mabuti.

Posible kasi aniya ito na magresulta sa mas mataas na inflation o pagbilis ng pagmahal ng mga bilihin.

Facebook Comments