NILINAW | NFA, nagbigay linaw sa isyu ng mga bigas na nasa mga barko pa

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng National Food Authority (NFA) na hanggat hindi pa naibaba sa barko ang mga inangkat na bigas ay hindi pa ito pag aari ng pamahalaan.

Ayon kay NFA Director Rex Estoperez, ang final acceptance ng mga bigas ay kapag nai-deliver na ito sa mga warehouses ng NFA.

Aniya, hanggat nasa barko pa ito ay hindi pa kinukunsidera na nabili na ng NFA.


Ang pahayag ay ginawa ng NFA kasunod ng ulat na nakitaan na ng bukbok ang imported rice na hindi pa naibaba sa mga barko sa daungan.

Nangyayari daw ito dahil sa mainit ang kondisyon sa loob ng barko dahilan para magkaroon ng bokbok ang bigas.

Sa ngayon mayroon pang 133 libong sako ng bigas sa loob ng barko na nakadaong sa Subic Port at 177 libo sa Albay pero isinasailalim na ito sa fumigation para mapigilan ang pagdami ng bokbok.

Nilinaw ni Estoperez na malaking volume nito ay hindi naman apektado at ligtas kainin.

Facebook Comments