Nilinaw ni Roque na hindi gamot kundi bakuna laban sa COVID-19 ang hinahanap ni PRRD

Kasunod ito ng P10 million alok na pabuya ng Pangulo sa sinumang makakapag-imbento ng bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ni Roque, kinausap na niya si Food and Drugs Administration (FDA) Officer-in-Charge Dr. Eric Domingo na pag-aralan ang fabunan anti-viral injection na nadiskubre ng isang Filipino doctor mula sa Zambales.

Aniya, hangga’t walang inilalabas na pahayag ang FDA ay hindi matatapos ang isyu sa fabunan anti-viral injection lalo na at marami ang napapaniwalang nakakagamot ito ng sakit.


Facebook Comments