NILINAW | Official delegation ng Pangulo sa Israel, wala pang 50 – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Nilinaw ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi pa aabot sa 50 ang official delegation ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Israel na taliwas naman sa lumabas na balita na nasa 400 ang kasama ng Pangulo sa kanyang biyahe.

Ayon kay Roque, ang opisyal na delegasyon lamang ng pangulo ay 46 pero aalamin parin naman aniya niya kung ilang Moyembro ng Presidential Security Group at military personnel ang kasama ng Pangulo sa biyahe.

Sinabi din naman ni Roque na aabot sa 150 ang business delegates ang sumama sa pangulo pero hindi ito gastos ng pamahalaan kaya nagtataka si Roque kung saan galing ang balita na nasa 400 ang kasama ng pangulo sa Israel.


Ilan lamang sa mga kasama ni Pangulong Duterte ay sina Special Assistant to the president secretary bong go, executive secretary salvador medialdea, energy secretary alfonso cusi, labor secretary silvestre bello III, Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, Transportation Secretary Arthur Tugade, Political Adviser Secretary Francis Tolentino, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Environment Secretary Roy Cimatu at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Naiwan naman bilang official caretaker ng bansa ay si Justice Secretary Menardo Guevarra sa bisa ng Special Order number 918 na nilagdaan ni pangulong Duterte noong August 31.

Facebook Comments