NILINAW | Pag-aalburuto ng Mayon, walang koneksyon sa pagiging aktibo ng Pacific Ring of Fire

Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may kinalaman sa Pacific Ring of Fire ang pag-aalbuturo ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ang Pacific Ring of Fire ay isang geographic feature kung saan ang mga bansa sa paligid ng Pacific Ocean ay may mga aktibong bulkan at posibleng makaranas ng madalas na paglilindol at kung minsan ay Tsunami.

Aniya, walang kinalaman sa pag-alburuto ng Mayon ang mga earthquake warnings sa ibang bansa dahil mayroon aniyang kanya-kanyang earthquake generator ang mga bansa.


Gayunman, paalala ni Solidum na dapat maging alerto at maging handa ang publiko sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang PHIVOLCS ng apat na Lava Fountaining nitong nakalipas na bente kwatro oras.

Habang aabot naman sa 1,916 tonelada ng Sulfur Dioxide ang inilalabas ng Mayon kada-araw.

Facebook Comments