Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na walang kinalaman ang pag leave ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na espekulasyon lamang ang balita na mayroong 6.8 billion pesos na halaga ng shabu ang nakapuslit at nailabas sa iba’t-ibang bansa.
Ayon kay communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, nakapaghain na ng leave of absence at nakapagpaalam na si Aquino na magbabakasyon dalawang linggo bago lumabas ang issue sa halaga ng shabu na umanoy nakapuslit.
Ito aniya ang dahilan kaya masasabi nilang walang kinalaman ang pagbabakasyon ni Aquino sa paninita ni Pangulong Duterte sa PDEA.
Matatandaan na sinabi ng Pangulo na espekulasyon lamang ang sinabi ng PDEA na nakalabas ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu at kailangan magkaroon ng matibay na ebidensiya para ito ay patunayan.