Manila, Philippine – Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi na kailangan ng pag-apruba ng Kongreso para maipawalang-bisa ang amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay bagamat nakasaad aniya sa Constitution na kailangan ang pag-apruba ng Kongreso sa pagbibigay ng amnestiya.
Muli ring nilinaw ni Guevarra na kailanman ay hindi nag-exist ang amnestiya ni Trillanes dahil hindi nga siya nakapag-comply ng mga requirements tulad ng admission of guilt at pagsusumite ng aplikasyon.
Ang paglilinaw ni Guevarra ay kasunod ng pahayag nina Opposition Senators Francis Pangilinan at Risa Hontiveros na ang revocation ng amnesty ay nangangailangan ng concurrence o pag-apruba ng Congress.
Facebook Comments