Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police – Firearms And Explosives Office (PNP-FEO) na hindi lubusang ipinagbabawal ng gobyerno ang pagpapaputok sa bagong taon.
Ayon kay explosive management division Acting Chief Supt. Roland Vilela – layon lang ng nilagdaang Executive Order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo na i-regulate ang paggamit ng mga paputok.
Sa ilalim nito, magtatalaga ang mga lokal na pamahalaan ng mga “community fireworks display area” o lugar kung saan pwedeng magpaputok ang mga residente.
Pangangasiwaan ito ng mga tauhang lisensyado ng PNP.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang super lolo, whistle bomb, goodbye earth, atomic big triangulo, piccolo, judas belt at watusi.
Papayagan pa rin sa mga residential area ang paggamit ng pailaw gaya ng lusis, fountain at roman candle.