Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi mandatory ang pagkuha ng Philippine National ID.
Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar Undersecretary Lisa Grace Bersales, hindi obligado na kumuha ng Philippine I.D., pero magkakaroon ng problema ang mga hindi kukuha nito.
Tiniyak ni Bersales na sila lang ang hahawak ng impormasyon para maiwasan ang data breach maliban na lamang kung pumayag ang cardholder na ibahagi ito o ipag-utos ng korte.
Ang unang irerehistro sa National ID ay ang mga benepisyaryo ng unconditional cash transfer
Posibleng abustin ng ₱30 billion ang kabuoang gagastusin para sa national ID system.
Target na mabigyan ng Philippine I.D. ang lahat sa loob ng tatlo hanggang limang taon.