NILINAW | Paglalagay sa Witness Protection Program ng DOJ kay Napoles, walang epekto sa kaniyang mga kaso – Ombudsman

Manila, Philippines – Iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na
walang magiging epekto sa mga kinakaharap niyang kaso ang pagkakatanggap
kay Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of
Justice.

Sa ilalim ng nasabing programa, si Napoles ay maaaring mabigyan ng dagdag
na seguridad at medical attention at sasagutin ito ng gobyerno.

Isa pa sa posibleng maging resulta ng pagkakatanggap kay Napoles sa WPP ay
ang mailipat siya ng kulungan.


Si Napoles ay may kinakaharap na limang bilang ng kasong plunder at
maraming bilang ng kasong graft sa Sandiganbayan.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments