Davao City – Nilinaw ni Special Assistant to the President Bong Go na may pahintulot mula sa gobyerno ng Pilipinas ang paglapag ng isang Chinese military aircraft sa Davao International Airport nitong nakaraang Linggo.
Ayon kay Go, lumapag ang Chinese aircraft para magpakarga ng langis.
Tiniyak ni Go na nasunod ang domestic procedure at ikinunsidera ang lahat ng nakalatag na agreement.
Aniya, nakipag-coordinate ang Chinese aircraft sa Department of National Defense (DND), Department of Foreign Affairs (DFA), at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Tulad ng mga eroplano ng Pilipinas ay pinapayagang makapag-landing sa ibang bansa kapag kinakailangan ng technical stops.
Facebook Comments