NILINAW | Pagsabog sa Basilan, Antipolo at Masbate hindi magkakaugnay – AFP

Hindi magkakaugnay ang naganap na pagsabog sa Lamitan City Basilan, Antipolo City at Masbate City.

Ito ang nilinaw ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo sa harap na rin ng pangamba ng publiko na ang sunod-sunod na pagsabog ay magkakaugnay at iisang grupo lamang ang may kagagawan.

Ayon kay Arevalo magkakaiba at isolated cases ang mga naganap na pagsabog.


Aniya gawa ng Abu Sayyaf Group ang nangyaring pagsabog sa Lamitan City, dahil hindi pinagbigyan ng mga local officials ang hiling nilang mangotong ng 50 libong piso kada executive official at dahil bumababa na rin ang bilang ng ASG at mga armas.

Habang ang naganap aniyang pagsabog sa Antipolo City at Masbate na wala namang nasawi ay kagagawan ng New Peoples Army (NPA).

Sinabi ni Arevalo walang dapat na ikatakot ang publiko dahil kumikilos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang pigilan anumang mga planong panggugulo ng mga terorista sa bansa.

Facebook Comments