NILINAW | Pamahalaan, walang crackdown sa mga banyagang kritiko ng administrasyon

Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng Malacanang na hindi hinahabol ngayon ng Administrasyong Duterte ang mga dayuhang Kritiko ng Administrasyon.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng insidente na pag-aresto sa Australian na madre na si Sister Patricia Fox.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang katotohanan ang lumalabas na usap-usapan na nagsasagawa ng crack down ang pamahalaan sa mga dayuhan na bumabanat sa pamahalaan.


Pero sinabi ni Roque na kailangang sumunod sa mga nakasaad sa saligang batas kung saan ipinagbabawal nito ang pagsali ng mga dayuhan sa mga politicl rally at iba pang paraan ng pakikialam sa panloob na usapin ng bansa.

Mataandaan na binigyang diin ni Pangulong Duterte na mula kahapon ay siya na ang magdedesisyon kung sino ang maaari at hindi maaaring pumasok sa bansa at binalaan din nito ang mga makakaliwang grupo na huwag nang mag imbita ng mga banyagang kritiko ng administrasyon at siguradong hindi makapapasok ang mga ito.

Binigyang diin din ng Pangulo na hindi siya papayag na mabastos ng sinomang dayuhan ang soberenya ng bansa.

Facebook Comments