NILINAW | Pamunuan ng PAGCOR, nagpaliwanag na hindi nila mga opisyal ang tinukoy ng Pangulong Duterte na kanyang sisibakin

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo na hindi PAGCOR ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mga gaming officials na kanyang sisibakin dahil nag isyu ng isang Gaming Franchise sa isang aplikante sa online gaming na tatagal na 75 taon.

Ayon kay Domingo, walang katotohanan ang lumabas sa Philippine Star na banner noong Lunes, May 21 na mayroon aniyang mga opisyal ng PAGCOR ang sisibakin ng Pangulo.

Paliwanag ng opisyal hindi lamang ang PAGCOR na nag iisyu ng gaming license dahil mayroong tatlo pang ibang agencies na nag iisyu ng mga lisensiya kabilang ang AFAB o Authority of the Freeport Area of Bataan, APECO o Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority at CEZA o Cagayan Economic Zone Authority.


Dagdag pa ni Chairman Domingo na kanya nang ipinaliwanag sa mga empleyado ng ahensiya sa flag raising ceremony ng PAGCOR noong nakaraang Lunes na hindi PAGCOR ang tinukoy ni Pangulong Duterte na kanyang sisibakin sa pwesto.

Facebook Comments