Manila, Philippines – Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pahayag kung bakit tutulungan siya ng China kapag may nagpatalsik sa kanya sa pwesto.
Bagaman hindi ito personal na sinabi sa kaniya, ayon sa Pangulo, ito ang ipinasabi ni Chinese President Xi Jinping sa kaniya mula kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.
Inamin naman ni Duterte na batid niya ang militarisayon ng China sa West Philippine Sea.
Pero giit ng Pangulo, na hindi na kailangang kwestunin ang air asset ng China sa WPS.
Sabi pa ng Pangulo, harap-harapan niyang ipinaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo ng bansa.
Facebook Comments