NILINAW | Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit na wala siyang personal na interes sa Boracay

Laguna – Binigyang-diin muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang personal na interes sa Boracay.

Sa kanyang talumpati sa Sta. Rosa, Laguna kagabi nakiusap ang Pangulo na hayaan lang ang gobyerno na linisin ang Boracay saka niya ito ipamimigay sa mga aniya ay rightful owner.

Nilinaw rin ng Pangulo na hindi niya papayagan ang malalaking negosyo sa Boracay.


Aniya, hindi siya gumagastos ng milyun-milyong piso sa paglilinis ng isla para lang ibigay sa mayayaman.

Nito lang katapusan ng mayo nang ideklarang land reform area ni Pangulong Duterte ang isla ng Boracay.

Facebook Comments