Manila, Philippines – Binigyang-linaw ni BOC Deputy Collector for Passengers Concern Atty. Lourdes Mangaoang na walang kinalaman si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa isyu ng P6.8-B shabu shipment na nasabat ng BOC.
Ayon kay Atty. Mangaoang hindi totoo ang lumalabas na ulat na nagsasangkot kay Paolo Duterte at sa first family sa shabu shipment isyu at walang links silang nakita na mag-uugnay sa illegal drugs.
Paliwanag pa ni Atty. Mangaoang malalaman at malalaman nila kung may kinalaman sa ilegal na droga ang unang pamilya, ngunit sa kanilang pagbusisi sa natuklasang magnetic lifters ay walang anumang hint na sangkot sa naturang ilegal na droga ang pamilya ng Pangulo.
Naniniwala rin si Atty. Mangaoang, na bahagi ito umano na demolition job ni dating BOC Commissioner Isidro Lapeña, dahil maging ang kanyang telepono ay naka-tap para ma-monitor ang lahat ng kanyang mga aktibidades.
Maaari aniyang si Lapeña ang naka protekta at posibleng siya ang nagli-link kay Paolo Duterte para siya ay siraan dahil bahagi ito ng demolition job.
Giit pa Atty. Mangaoang, siya ay consistent sa lahat ng kanyang sinasabi, hindi prinaktis ang sasabihin sa publiko at wala siyang script na katulad ng ginagawa ni Lapeña na hindi makapagsalita ng walang binabasa o script at walang laman ang kanyang sinasabi sa publiko.