
Manila, Philippines – Nilinaw ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ₱10 million at hindi 90 milyong piso ang kakailanganin ng kanilang opisina para sa ikakasang information dissemination campaign tungkol sa Federalism.
Aminado si Andanar – na hindi sapat ang sampung milyong piso lalo at kailangan nilang libutin ang buong bansa para palakasin ang information driver.
Kaya humihiling ang PCOO ng dagdag na pondo para maging matagumpay ang Federalism campaign.
Nilinaw din ni Andanar na si Asec. Mocha Uson ay hindi tagapagsalita ng information campaign.
Aniya, ang papel ni Uson ay maging tulay sa pagitan ng Consultative Committee (CONCOM) at sa mga ordinaryong Pilipino.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ₱10 million pesos na ibinigay sa PCOO ay bahagi ng 40 million pesos na inilaan sa Dept. of Interior and Local Government (DILG) para sa dissemination activities.










