NILINAW | PDEA, klinaro na hindi galing sa kanila ang bagong drug matrix na inilabas ni PRRD

Manila, Philippines – Mas kumbinsido ngayon si PDEA Director Aaron Aquino na shabu talaga ang laman ng mga nadiskubreng magnetic lifter sa isang warehouse sa GMA, Cavite.

Kasunod ito ng bagong drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pasok sa listahan si Police Senior Superintendent Eduardo Acierto at nasa ilalim niya si PDEA Deputy Director Ismael Fajardo Jr. at apat na iba pang pulis.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Aquino na nauna nang inginuso ni Customs Intelligence Officer Jimmy Guban si Acierto na siyang mastermind sa pagpupuslit ng 6.8-billion shabu shipment


Habang nauna na ring ni-relieve sa pwesto si Fajardo.

Sabi pa ni Aquino, patunay dito ang bagsak-presyo ngayong halaga ng kada gramo ng shabu sa NCR.

Kaugnay nito, hiniling na umano ng PDEA sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation hinggil sa mga nadiskubreng magnetic lifter.

Habang gagawin nilang basehan ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Kongreso sa isyu para sampahan ng kaso si Fajardo.

Facebook Comments