Nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of fhe Phillippines (AFP) na hindi sinibak sa pwesto si Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Galileo Gerard Kintanar.
Kasunod ito ng pag-aproba ni Pangulong Rodrigo sa appointment ni Lt. Gen. Rozzando Briguez.
Paliwanag ni AFP Public Affairs Office chief Col. Noel Detoyato, nagkaroon ng gentlemen’s agreement na mag early retirement na lamang si Kintanar at bigyang daan ang iba pang officers.
Si Kintanar ay magreretiro sa sebisyo sa January 2020 ibig sabihin aalis siya sa serbisyo 18 buwan ng mas maaga.
Nilinaw ni Detoyato na hindi sinibak sa pwesto si Kintanar.
Pero batay sa impormasyon, ang kaso ni Kintanar ay kahalintulad sa kaso dati ni dating Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.
Sa liham na ipinadala ng Pangulo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, Ang appointment ni Briguez ay epektibo kahapon Dec. 5.
Pinalitan ni Briguez si Lt. Gen Galileo kintanar na nag-retiro ng maaga sa serbisyo.
Si kintanar na nanungkulan bilang Air Force Chief simula October 24, 2017, ay may 13 buwan pang natitira bago sumapit ang kanyang mandatory retirement.