Manila, Philippines – Muling itinaggi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na hiwalay na sila ng nobyong si Marlon Stockinger.
Ito ay kasunod ng instagram post ni Pia na umani ng iba’t-ibang reaksyon sa netizen at naghinalang hiwalay na ang dalawa dahil sa caption na “no boyfriend, no problem”.
Say ni Pia, ang nasabing post niya ay para sa endorsement brand na iniindorso ni Marlon.
Bago pa raw niya i-post ang nasabing larawan ay ipinaalam niya ito kay Marlon.
Facebook Comments