NILINAW | Pilipinas at China, wala pang nilalagdaang joint exploration deal – DOE

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na wala pang nalalagdaang joint exploration deal sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi – tanging Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagkalap ng mga paraan sa pagkuha ng langis sa West Philippine Sea ang pinirmahan sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

Giit pa ni Cusi, magkakaroon pa lang ng mga pagpupulong kasama ang mga Chinese counterpart para pag-aralan ang oil and gas sources sa WPS.


Binigyang diin pa ng kalihim na ang prayoridad ng Pilipinas sa ngayon ay ang pag-aaral at pagkakaroon ng exploration sa mga oil and energy sources sa loob ng Philippine territory.

Kasabay nito, hawak na ng DFA ang kopya ng Memorandum of Understanding (MOU).

Ayon kay DFA Secretary Teddy Boy Locsin – nakapaloob rin aniya sa kasunduan ang mga pwede at hindi pwedeng gawin ng dalawang bansa.

Ang China National Offshore Oil Corporation ang lalahok sa exploration habang ang Philippine National Oil Company ang kinatawan ng Pilipinas para rito.

Facebook Comments