Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na tanging ang pagiging officer-in-charge lang ng PhilHealth ang inalis kay Celestina Maria Jude Dela Serna.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili pa rin si Dela Serna bilang board member ng PhilHealth bilang kinatawan ng sektor ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Aniya, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dela Serna dahil sa sobrang pagbiyahe at hindi tamang pamamahala sa pondo ng PhilHealth.
Sabi naman ni Dela Serna, nagsumite na siya ng paliwanag sa Commission on Audit (COA) hinggil sa kaniyang mga gastos.
Giit pa ni Dela Serna, hindi masasabing nalugi ang PhilHealth sa kaniyang pamamalakad.
Matatandaang aabot sa P9 billion ang nawala sa pondo ng PhilHealth sa mga nakalipas na taon.
Pagtitiyak naman ni PhilHealth acting President at CEO Rey Ferrer na ipapaubaya na lang niya sa COA ang imbestigasyon kay Dela Serna.