NILINAW | PNP Chief Oscar Albayalde klinaro na walang utos ang Pangulong Duterte na pumatay

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kailanman ay hindi iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatay ng kung sino mang indibidwal.

Ito ay sa harap ng mga balitang ipinatutumba ni Pangulong Duterte ang mga salot sa lipunan at mayroon umanong quota ang PNP sa dami ng mapapatay.

Ngunit ayon kay PNP Chief walang kung anong utos ang Pangulo dahil binibigyan ng punong ehekutibo ng kalayaan ang liderato ng PNP na dumiskarte upang gampanan ng mabuti ang kanilang trabaho bilang law enforcer.


Sinabi pa ni Albayalde walang pinapaboran ang PNP sa mga hinahawakan nilang kaso.

Aniya mayaman man o mahirap na personalidad ang masangkot sa isang krimen ay pareho lang ang kanilang trato sa kaso.

Facebook Comments