Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na kahit nagnegatibo sa paggamit ng ilegal na droga ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon, hindi ibig sabihin ay hindi na ito sangkot sa narcotics trade.
Nabatid na si Nicanor Faeldon Jr. at tatlong iba pa ay nahuli sa isang drug den sa Naga City nitong Biyernes, December 14.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – karamihan sa mga suspek na sumasailalim sa drug test at negative, pero karamihan din sa mga ito ay nadadawit sa pagbebenta nito.
Tiniyak ni Albayalde, na walang ibinibigay na special treatment sa nakababatang Faeldon kahit anak pa siya ng isang government official.
Pinuri naman ng PNP ang nakatatandang Faeldon sa pagdistansya nito sa kaso ng kanyang anak.