Manila, Philippines – Tuloy ang pag-aresto kay dating first lady Imelda Marcos.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana sa harap ng maling pagkakaintindi sa naging pahayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kamakailan.
Sa mga lumabas na balita, sinasabi raw ni PNP Chief Albayalde na hindi na aarestuhin si Ginang Marcos dahil sa katandaan nito at babae pa.
Ayon kay Durana, mali ang pagkakaintindi sa pahayag ng PNP Chief, aniya handa silang arestuhin ang dating first lady pero ang manner o kung paano arestuhin ang ginang ay dito papasok ang kanilang konsiderasyon.
Hanggang kanina ay wala pang natatangap na kopya ng warrant of arrest ang PNP magkagayunpaman nakahanda aniya sila.
Una nang sinabi ni Albayalde na ang PNP CIDG ang mangunguna sa pagaresto kay former first lady Marcos.
Nakahanda na rin aniya ang kanilang custodial center sakaling iutos ng korte na sa Camp Crame ito i-custody.