Manila, Philippines – Plano ng Philippine National Police (PNP) na maglagay ng ‘clean-rider’ sticker sa mga motorsiklong malinis ang record.
Base sa datos ng PNP, mula October 2017 hanggang May 2018 ay nasa 880 na ang napapatay ng motorcycle riding criminals.
Ibig sabihin, apat na kaso ito ng pagpatay kada araw.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, layunin nitong mabawasan ang mga riding-in-tandem criminals.
Pero aminado si Eleazar na malaking problema pa rin ito.
Sa tulong aniya ng sticker mas mapapabilis ang pagtugis sa mga motoristang sangkot sa krimen at ilegal na droga.
Ang mga motorsiklong rehistrado sa Land Transportation Office (LTO) at may malinis na record ang didikitan ng sticker.
Pero nilinaw ng PNP na porket may sticker ay lusot na sa pulisya.