NILINAW | PRRD, iginiit na hindi maaring i-credit ng sinumang opisyal ang pagbabalik ng mga Balangiga bells

Hindi maaaring angkinin ng sinumang opisyal ng gobyerno ang credit sa pagkakabalik ng Balangiga bells sa bansa.

Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang kilalanin ng Malacañang ang malakas nitong political will at dedikasyon sa paghahayag ng karapatan ng Pilipinas at mga mamamayan nito.

Sinabi ng Pangulo na pag-aari ng pananampalatayang Katoliko Romano ang Balangiga bells.


At ang pagkakabalik aniya sa mga kampana ay dahil na rin sa panawagan ng sambayanang Pilipino.

Bukas, December 15 – ibabalik na ang Balangiga bells sa St. Lawrence Parish Church sa Eastern Samar.

Bagaman at pangungunahan ang turnover ceremony, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi siya dadalo sa gagawing misa roon.

Facebook Comments