NILINAW | Rigodon sa PDP-Laban, hindi pa napag-uusapan

Manila, Philippines – Nilinaw ni Negros Occidental Representative Albee Benitez na wala pang rigodon sa PDP-Laban.

Ayon kay Benitez, na siya umanong tumatayong ‘point man’ ng partido sa Kamara, wala pang hakbang para alisin sa pwesto bilang Secretary General ng PDP-Laban si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Wala ding request o movement sa mga myembro ng PDP-Laban na bigyan ng posisyon si Speaker Gloria Arroyo sa kanilang partido tulad ng inirekomenda noong una ni Quezon City Representative Winston Castelo na gawing Secretary General ng PDP si CGMA.


Sinabi pa ni Benitez na mayroon silang pulong ngayong araw na gaganapin sa Seda Hotel sa Quezon City at maaaring dito mapag-usapan ang isyu ng pagbibigay posisyon kay CGMA.

Dagdag pa ni Benitez, bagaman at may paksyon sa partido, wala namang nagbago sa relasyon ng mga myembro at wala ding violent reaction kapag sila ay nagkikita-kita.

Facebook Comments