Manila, Philippines – Nilinaw ng Sanofi Pasteur na ang pagsuspinde sa kanilang produktong Dengvaxia ay dahil sa bigo nilang pagsumite ng mga post-marketing authorization requirements.
Sa inilabas na pahayag ng Sanofi Pasteur, sinabi nitong ang isang taong suspensyon na ipinataw ng Food and Drug Administration (FDA) sa kanilang produkto ay dahil lamang sa post-marketing requirements at hindi dahil sa kung anumang epekto ng kanilang produkto.
Iginiit din ng nasabing pharmaceutical manufacturer na nagsasagawa sila ng evaluation para siguruhing ligtas at epektibo ang kanilang mga vaccine.
Siniguro naman ng Sanofi na patuloy ang kanilang kooperasyon sa FDA kaugnay sa naging isyu ng Dengvaxia sa bansa.
Facebook Comments