Manila, Philippines – Binigyang diin ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaring magpaalis kay Assistant Secretary Mocha Uson sa pwesto nito.
Ito ay sa kabila ng panawagan ni Philippine Information Agency (PIA) Director-General Harold Clavite na mag-resign na si Uson.
Ayon kay Andanar – ang Pangulo ang nag-appoint kaya siya lamang ang pwedeng magtanggal kay Uson.
Hahayaan naman ni Andanar sina Clavite at Uson na ihayag ang kanilang mga saloobin bilang bahagi ng freedom of speech and expression.
Facebook Comments