Manila, Philippines – Nilinaw ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Council on Public Affairs Fr. Jerome Secillano na walang kinalaman sa usapin ng pulitika tuwing tatayo sa pulpito ang mga pari at nagbibigay ng mga sermon tungkol sa Extrajudicial Killing o EJK, tanggalan sa trabaho at iba pa dahil balido dahilan at walang kinalaman sa pulitika ang naturang usapin.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Maynila sinabi ni Fr. Secillano kapag ang usapin na ay tungkol sa moralidad ng tao hindi matatakot ang simbahan na tatayo at manindigan kung ano ang nararapat na katuyuan bilang isang Katoliko.
Paliwanag ni Fr. Secillano dapat maging seryoso ang Pangulong Rodrigo Duterte lalo at kung ang pag-uusapan ay sensitibong usapin dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng bansa.
Giit ni Fr. Secillano hindi makikialam kailanman ang simbahan sa pulitika dahil hiwalay ito alinsunod sa ating Saligang Batas pero kapag sikmura na at moralidad ang apektado kinakailangan umanong manindigan ang simbahan upang ipagtanggol ang katutuhanan at moralidad ng mga Pilipino.