NILINAW | SRP scheme, para lang sa mga wet markets sa Metro Manila ayon sa DA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na para lang sa mga wet markets sa Metro Manila ang pagpapatupad ng Suggested Retail Price (SRP) scheme.

Sa Facebook post ni DA Sec. Manny Piñol – nilinaw niya na hindi rin kabilang sa srp scheme ang ilang “Posh Supermarkets” gaya ng SM, Rustan’s o S&R.

Aniya, dapat ay alam ng isang mamimili na kaakibat ng desisyon niyang bumili ng mga bsic items sa isang airconditioned supermarkets ang kahandaang magbayad ng mas mahal.


Kabilang sa isinama nila sa srp ang bangus, tilapia, galunggong, bigas, sibuyas at bawang.

Layon nito na maprotektahan nag mga ordinaryong mamimili sa mataas at hindi katanggap-tanggap na presyo.

Facebook Comments