Manila, Philippines – Nililinaw ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hindi maikokonsiderang suspek si Agnes Tuballes ang di umano’y recruiter ni Joanna Demafelis ang OFW na natangpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.
Sa press briefing sa Camp Crame sinabi ni CIDG acting chief ng PNP-CIDG CSupt. Roel Obusan, na magpapatuloy ang imbetigasyon laban kay Tuballes.
Paliwanag ni Obusan, na iniimbestigahan si Tuballes dahil sa pagsisinungaling nito makaraang sabihin niya na nag trabaho ito sa Mt. Carmel agency subalit hindi pala ito totoo.
Ang totoo aniya dito ay may contact lamang si Tuballes sa Kuwait na Pinay rin na may asawang Kuwaiti na naghahanap ng mga OFW.
Sa pagharap ni Agnes sa media kanina, mariing itinanggi nito na siya ang nag-recruit kay Demafelis na isa pala nitong malayong kamag-anak.
Salaysay nito na buwan ng Enero ng mag-message sa kanya si Joanna habang nasa Hong Kong siya upang humingi ng tulong para makapag-trabaho sa ibang bansa.
Dito na niya umano itinuro ang Mt. Carmel para doon mag-apply si ang biktima.
Si Tuballes ay sumuko sa PNP-CIDG kamakalawa ng gabi para linisin ang kanilang sarili hinggil sa nasabing isyu.