NILINAW | Sunshine Dizon, hindi raw nakipagbalikan sa ex-husband na si Timothy Tan

Manila, Philippines – Muling nilinaw ng aktres na si Sunshine Dizon na hindi sila nagkabalikan ng ex-husband niyang si Timothy Tan

Matapos kasing maghiwalay noong June 2016, magkasama pang nag-pasko sa US ang dalawa kasama ang kanilang mga anak.

Lalo pang inintriga ang aktres nang kumalat sa social media ang family picture nila na kuha sa birthday pictorial ng anak niyang babae noong Lunes.


Naka-matchy-matchy tops pa sila ng kanyang mga anak.

Pero paglilinaw ni Dizon, walang nangyaring balikan.

Pero pinili nilang maging magkaibigan pa rin para sa dalawa nilang anak.

Facebook Comments