NILINAW | Supreme Court en banc, iginiit na nag-indefinite leave si CJ Sereno

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Korte Suprema na nag-indefinite leave si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa press statement na pirmado ng 13 mahistrado, ang indefinite leave ay alinsunod sa napagkasunduan sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc noong Martes, February 27, 2018.

Si CJ Sereno umano ang nag-anunsyo na siya ay maghahain ng indefinite leave matapos niyang makausap ang dalawang most senior justices ng Korte Suprema.


Gayunpaman, hindi umano hiniling ng Punong Mahistrado na mailipat ang petsa ng kanyang wellness leave, taliwas ito sa mga unang pahayag ng mga abugado ni Sereno.

Kaugnay nito, ikinalulungkot naman ng Supreme Court En Banc ang kalituhan na idinulot ng mga anunsyo at pahayag sa media ng mga tagapagsalita ng Punong Mahistrado na seryosong nakapinsala sa integridad ng Hudikatura.

Sa kasalukuyan, si Senior Associate Justice Antonio Carpio muna ang magiging Acting Chief Justice.

Inaatasan naman ng Korte Suprema ang Clerk of Court at Office of the Court Administrator na ipaalam sa lahat ng hukuman at mga tanggapan ang “indefinite leave” ni Sereno.

Facebook Comments